Isang nakababahalang sakit ang depresyon. Ito’y lubos na nakakaapekto sa pagkain, pagtulog, at kung paano mag-react ang isang tao sa mga bagay sa paligid.
Naririto ang ilang mabisang mga paraan para maiwasan ito, ayon sa aklat na “30 Quick Tips for Better Health” ni Dr. Don Verhulst.
1. Kumain ng mga pagkain na panlaban sa sakit na ito, kagaya na lang ng gulay, prutas, at whole grains. Ang nuts at seeds din ay nakatutulong bilang proteksyon sa sakit na ito.
2. Mag-ehersisyo. Inaayos nito ang sirkulasyon sa loob ng ating utak, kaya napapaganda ang ating mood.
3. Manalangin. Ipaalam sa panginoon ang iyong naising makawala o maiwasan ang depresyon. -- DAVE CALPITO
0 comments: