Madalas, nakakaligtaan ng mga tao ang uminom ng tubig. Alam mo ba na lubhang napakahalaga ng tubig sa katawan ng tao para hindi magkasakit at para mamuhay nang masaya at matiwasay
Naririto ang ilang mga ispesipikong dahilan kung bakit mahalaga ang pag-inom ng walo hanggang 10 baso ng tubig araw-araw:
• Para mapanatiling hydrated ang ating katawan – Ito’y sapagkat 70 hanggang 90 percent ng ating vital organs ay tubig at 83 percent din sa ating dugo ay tubig
• Nakakatulong din ito sa pagbabawas ng timbang
• Tinutulungan din tayo ng tubig para maalis ang toxins sa ating katawan
• Nakababata rin ito dahil naiiwasan ang pagiging dry at brittle ng ating kutis. -- DAVE CALPITO
0 comments: