Sunday, April 19, 2020

Alamin ang mga Mainam na Pagkaing Pang-agahan


Mahalaga ang pagkain ng agahan. Ito'y sapagkat dito mo nakukuha ang gagamitin mong enerhiya sa buong maghapon. Ito rin ay para magkaroon ng magandang metabolism ang katawan para iwas-sakit.
Naririto ang mga mainam na kainin sa iyong bawat agahan:

1. Kumain ng prutas, gulay, at whole grains. Halimbawa, kumain ng orange, apple, o grapes na may whole-grain bread. Maganda ring kumain ng oatmeal at multi-grain cereal.

2. Maghanda ng protein shake, pero iwasan lang ang maraming asukal.

3. Maganda rin sa katawan ang pagkain ng whole grain bread na may kasamang itlog.

4. Maigi ring uminom ng dalawang baso ng tubig bago kumain para maiwasan ang mag-overeating. -- Dave Calpito

Loading...

0 comments: