Kung hindi ka kumakain ng lemon o umiinom ng juice nito, maaaring magbago ang isip mo kapag nalaman mong hindi lang isa, kundi marami pang magandang naidudulot ang pagkain ng lemon o pag-inom ng juice nito sa iyong katawan.
Panlaban sa cancer. Mayaman ang lemon sa anti-cancer compounds na tumutulong patigilin ang pagdami ng cancer cells sa katawan.
Ubo at sipon at iba pang sakit. Sikat ang lemon pagdating sa paglaban sa ubo, sipon, at flu dahil na rin mayaman ito sa vitamin C at flavonoids na tumutulong labanan ang mga sakit.
Liver detoxifier. Mabisang detoxifier o panlinis ng atay ang isang basong tubig na hinaluan ng fresh lemon juice.
Anti-viral. Bukod sa mga karaniwang sakit, anti-viral din ang lemon dahil sa terpene limonoids na taglay nito na lumalaban sa iba’t ibang klase ng virus sa katawan.
Allergy at diabetes. Mayaman ang lemon sa hesperetin, isang phytonutrient upang maiwasan ang mga sintomas ng allergies. Mabisa din ang nasabing phytonutrient sa pagpapababa ng blood sugar levels para sa mga diabetic.
0 comments: