Saturday, April 11, 2020

3 Tips Upang Maiwasan ang Sobrang Asukal


Masarap man ang asukal, dapat alamin na hindi ito masyadong maganda para sa katawan. Maaari itong magresulta ng diabetes at iba pang mga isyu sa iyong kalusugan. Ang mga ito ay mga tips upang maiwasan ang asukal sa katawan:

Bumili ng prutas at huwag kumain ng dried fruit o juice

Kung kakain ka lang ng prutas, gawin mo na itong fresh fruit. Ang isa sa pinakaimportante na makukuha sa prutas ay ang fiber at kung juice or dried fruit ang iyong bibilhin, wala na ito.

Pigilan ang pagkain ng processed food

Ang processed food ay kalimitang may malaking content ng asukal. Ito ay dahil sa preservative ang asukal. Iwasan ito kung maaari.

Limitahan ang dessert na kinakain

Hindi naman kailangang iwasan talaga ang mga dessert. Kahit simpleng pag-iwas ay puwede na. Puwedeng kumain lang ng panghimagas isang beses kada linggo.


Upang mas maging malusog, kailangan mong isakripisyo ang asukal sa iyong diyeta. Kung hindi, baka magkaroon ka ng sakit sa iyong katandaan. -- Dave Calpito
Loading...

0 comments: