Importante ang pagtulog sa pagsiguro na ikaw ay malusog. Dahil dito, kailangang magkaroon ka ng sapat na oras sa higaan kada gabi. Ang mga tips na ito ay makatutulong upang maging maayos ang iyong pagtulog:
Mag-ehersisyo kada araw
Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang magkaroon ng regular na pagtulog. Mas maganda kung gawin ito kada umaga upang may sapat na enerhiya buong araw.
Matulog sa parehong schedule
Siguraduhin na regular ang schedule ng iyong pagtulog. Mas makatutulong din kung pareho rin ang iyong oras ng paggising kada araw.
Huwag matulog kapag hindi pa gabi
Kahit ang ilang minuto na nap ay makakaapekto sa iyong pagtulog sa gabi. Upang maging maganda ang iyong pagtulog, mas okay kung lubus-lubusin mo na ang pagpapahinga tuwing gabi.
Kung maayos ang iyong pagtulog, mas malaki ang tiyansa na maging matagumpay ka sa iyong trabaho. Mas mataas din ang iyong enerhiya buong araw, dahil nakapagpahinga ka nang maayos. -- DAVE CALPITO
0 comments: