Hindi magandang habit na lagi ka na lang na-i-stress -- sa trabaho, sa ibang tao, sa iyong paligid, at marami pang iba. Ayon sa ilang mga eksperto, nakadudulot ang matinding stress at pagod ng ilang mga degenerative diseases, kagaya na lamang ng kanser.
Kung kaya, magandang ideya kung matutunan mo ang wastong pagbabawas ng stress.
Naririto ang ilang mga tips para magtagumpay sa goal na ito:
1) Meditation -- Ang meditation ay nakakapagpanumbalik sa iyong normal na estado ng iyong katawan at isipan. Mag-enrol sa isang Yoga class.
2) Manood ng mga nakakatawang mga bidyo -- Mag-browse sa YouTube, halimbawa, ng ilang mga relaxing at nakakatawang mga bidyo.
3) Exercise -- Ang taong nag-e-ehersisyo, mas mahirap makapitan ng stress at ng sakit.
4) Mag-break -- Bigyan mo ang iyong isipan ng ilang minutong hindi muna nag-iisip ng mga bagay na negatibo.
0 comments: