Wednesday, April 15, 2020

3 Paraan Para Maiwasan ang Pamumuti ng Buhok


Habang ikaw ay tumatanda, normal lamang na magkaroon ng mga puting buhok. Pero minsan, nagsisimula nang lumabas ang mga puting buhok na ito kahit ikaw ay hindi pa lagpas ng 40 taong gulang. Ang mga sumusunod ay mga epektibong tips upang maiwasan ang pamumuti ng iyong buhok nang 'di oras:


Matulog nang maaga


Isa ang 'di pagtulog nang maaga sa mga dahilan ng pagdami ng puting buhok. Upang maiwasan ito, tiyakin na nakakatulog ng anim hanggang walong oras sa isang araw.

Magpahid ng black tea sa buhok


Ang mantsa ng black tea ay makakatulong upang maibalik ang pagkaitim ng buhok.

Mag-mix ng coconut oil at lemon juice


I-mix ang coconut oil at lemon juice at ipahid sa buhok upang maibalik nito ang sigla.

Maraming paraan ang puwede mong pagpilian para maiwasan ang pamumuti ng buhok. Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para magawa ito.
Loading...

0 comments: