Wednesday, November 4, 2020

3 Tips Para Magmukhang Matangkad ang Isang Babae

ni Dave Calpito



Kung ikaw ay hindi nabiyayaan ng mataas na height, malaki ang tiyansa na hindi ka masyadong seseryosohin ng mga tao. Malilimitahan din ang mga bagay na puwede mong gawin sa pag-style sa iyong sarili. Ang mga tatlong tips na ito ay makakatulong upang mas magmukha kang matangkad:

Gumamit ng flared jeans


Ang flared jeans ay mga pantalon na malaki ang butas sa ibaba. Gumagawa ito ng ilusyon na mas matangkad ang nagsusuot nito.


Magsuot ng maxi skirt


Kagaya ng flared jeans, gumagawa din ng ilusyon ang maxi skirt na mas matangkad ang babaeng nagsusuot nito.


Kung magsusuot ng shorts, piliin ang maiksi


Magsusuot ka na lang din ng short, piliin mo na ang maiksi. Kapag mas maraming balat ang nakikita, mas magmumukhang mahaba ang iyong binti.


May mga tips na pang-fashion na makatutulong upang magmukhang matangkad ang isang babae. Ang maganda nito, madali lang ang mga itong gawin.

Loading...

0 comments: