Friday, August 7, 2020

5 Tips Para Mapabuti ang Concentration

Hirap ka bang mag-concetrate? Narito ang ilang tips na maaari mong gawin para mas makapag-concentrate ka araw-araw.
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


  1. Kumain ng almusal. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong laging nag-a-almusal ay mas alerto at mas mabilis makapag-concentrate kumpara sa iba na hindi nag-a-almusal.
  2. Limitahan ang paggamit ng iyong cellphone. Aminin mo man o hindi, malaking oras ang nawawala sa iyo sa tuwing gumagamit ka ng iyong cellphone o anupamang gadget lalo kung ginagawa mo itong libangan.
  3. Mag-take ng B-complex. Isang pag-aaral ang nagpatunay na mas hirap magplano ang mga taong may vitamin B6 deficiency.
  4. Matulog nang sapat. Ang pagpupuyat ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nawawala sa konsentrasyon ang isang tao.
  5. Uminom ng kape. Bukod sa caffeine, mayaman sa antioxidant ang kape na nakatutulong para ma-improve ang iyong cognitive function.
Loading...

0 comments: