Sunday, June 7, 2020

21 Paraan Para Maging Masaya


Maraming paraan para maging masaya at maligaya ang iyong bawat araw. Pero kung nauubusan ka na ng ideya, naririto ang ilang mga maaaring makatulong sa iyo.



1. Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo.
2. Let go. Palayain ang iyong sarili sa mga tao o mga bagay na walang mabuting naidudulot sa iyo.
3. Mabuhay nang may pag-asa sa araw-araw.
4. Maging aktibo. Manatili sa paggawa ng mga bagay na karaniwan mong ginagawa.
5. Maging busy. Gumawa ng mga makabuluhang bagay.
6. Maging close sa iyong pamilya.
7. Maging malusog. Kumain at matulog nang tama. Mag-exercise na rin.
8. Maging positibo. Isa ang negatibong emosyon at pag-iisip sa mga dahilan kung bakit maraming tao ang hindi masaya.
9. Magpaganda o magpagwapo. Nakakagaan ng pakiramdam kapag alam mong maganda ang pisikal mong anyo gayundin ang tingin sa’yo ng mga tao.
10. Magpatawad. Kalimutan mo na rin ang mga hindi magandang bagay ng nakaraan.
11. Magplano lalo na para sa hinaharap.
12. Magpokus lamang sa isang trabaho. Mas nakaka-stress kung marami kang ginagawa nang sabay-sabay.
13. Magsaya paminsan-minsan. Gumimik o gumala kasama ang iyong mga kaibigan para makapag-unwind.
14. Magsayaw bilang uri ng exercise.
15. Magsimba.
16. Magsulat. Ang paggawa ng diary o journal ay isang paraan upang maibsan ang iyong stress.
17. Pahalagahan ang mga bagay na meron ka.
18. Tumawa. Manood ng comedy o tumawa sa joke ng iyong mga kasama o kaibigan.
19. Tumigil sa bisyo. Ilang pag-aaral na ang nagsasabi na isa ang mga bisyo sa dahilan kung bakit mahirap para sa ibang tao ang maging masaya sa mga simpleng bagay.
20. Umaktong masaya. Kahit pa malungkot ka, laging maghanap ng paraan para maging masaya ang iyong araw.
21. Yumakap ng close sa iyo. Ayon sa pag-aaral, nakapagbibigay ng “happy” feelings ang pagyakap sa mga taong close sa iyo sa loob ng ilang segundo.

Iyan ang mga tips para maging masaya. 

Writer: Dave Calpito


Loading...

0 comments: