May pera sa pagba-blog. Totoo ito, basta alam mo lang kung papaano i-maintain at i-monetize ang iyong website / blogsite.
Kung ikaw ay nahihilig sa travel, pwede kang gumawa ng isang travel website -- pwede kang mag-review ng iyong mga pinuntahang lugar. Kung ikaw naman ay mahilig mag-review ng iba-ibang produkto at serbisyo, ang blogging ay para sa iyo -- kumita ka pa sa pamamagitan ng iyong hilig.
Oo. Maaaring iniisip mo ang cost ng paggawa ng isang website. Ito ay kung sa'yo ang domain -- kung bibilhin mo ang pangalan ng iyong website.
Pero, mayroong paraan para hindi kailangang magbayad sa pagkakaroon ng isang website. Ang kailangan lang: may gmail account ka.
Ito ay sa pamamagitan ng blogger.com. Iyon nga lang, magiging sub-domain ang iyong website address: halimbawa, (pangalan ng website mo).blogspot.com.
Pagmamay-ari ito ng Google kaya siguradong hindi basta-basta ito babagsak. Libre pa.
Pwede kang kumita: 1) Sa pamamagitan ng Google Adsense; 2) Kapag nakakuha ka ng iyong sariling advertisers; 3) Kapag iprinomote mo ang iyong sariling ibinebentang produkto o serbisyo; at marami pang iba.
Ang trick: Kailangang regular ang pagpo-post mo ng iyong content at kailangang viral ang iyong website -- ibig sabihin, maraming bumibisita.
Good luck po!
Writer: Dave Calpito
0 comments: